Friday, August 2, 2013

Kasuotan Sa Linggo ng Wika

Baro't Saya

Ang pambansang kasuotan ng mga Pilipina na minsan ay tinatawag din Maria Clara
Ang pambansang kasuotan ng mga Pilipina na minsan ay tinatawag dinMaria Clara
Ang Baro't Saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan. Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib. Ang pagsusuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na takpan at damitan ang hubad na katawan ng mga katutubo, lalo na ng mga kababaihan, sa kanilang pagdaong sa bansa.